Monday, April 23, 2001

PASUGO 1966 Quotes

PASUGO 1966


“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

-PASUGO, Abril 1966, p. 46


“Sa panahong ito'y ang Iglesia ni Cristo lamang ang may karapatang gumamit ng pangalan ni Cristo. Maliban sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay walang may karapatang gumamit sa mahalagang pangalang ito."
-PASUGO Pebrero 1966, p. 18, (sinulat ni Benjamin Santiago)

“Totoo na kailangan ng tao ang pananampalataya upang maligtas, ngunit kung siya'y hindi Iglesia ni Cristo, tiyak na hindi siya maliligtas’
-PASUGO Agosto 1966, p.13: (sinulat ni Tomas C. Catangay)

"Kung patay na ang tao ay wala nang nalalamang anuman. Wala siyang isip. May bahagi ba ang patay sa anumang ginagawa ng buhay? Wala! Walang nababahagi ang patay."   

-PASUGO Disyembre 1966, p. 10