Wednesday, October 10, 2001
Saturday, September 29, 2001
PASUGO 1976 Quotes
"Sa Roma 16:16 ay gnaito ang mababasa: 'Mangagbatian kayo ng banal na halik, Binabati kayo ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.' Ang pangalang 'Iglesia ni Cristo' ang pangalang opisyal, sapagka't ito ang ipinag-utos na ipangbati sa lahat. Hindi ito katawagang panglahi o pangpook o pang-isang katangian lamang, kundi ito'y tumutukoy sa lahat. Ito'y tumutukoy rin sa kalagayan."
-PASUGO, September 1976, p. 26Sunday, September 23, 2001
PASUGO 1971 Quotes
PASUGO 1971
“A permanent Central Office after 57 years establishment of the Church of Christ in the Philippines . This stands on a sprawling lot in Quezon City , at the corner of Cenral Avenue in Commonwealth Avenue."
-PASUGO Hulyo 1971, p. 2
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa
lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo saJerusalem .”
lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa
-PASUGO Agosto 1971, p.22
Thursday, August 23, 2001
PASUGO 1970 Quotes
PASUGO 1970
“Nasusulat sa Isaias 34:16... Kaya hindi dapat humigit sa nasusulat sa Banal na Kasulatan o Biblia ay sapagkat ito ay hindi kulang. Ito ay sapat na upang sampalatayanan sa ikapagiging dapat ng tao sa harap ng Dios. Hindi na ito nangangailangan ng kasama."
-PASUGO Mayo 1970, p. 32
“Sino ba ang nakadaya sa buong sanlibutan ayon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan? Sa Apoc. 12:9 ay ganito ang mababasa: 'At inihagis ang malaking Ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang nakadaya sa buong sanlibutan.' Sinasabi ng Banal na Kasulatan o Biblia na si Satanas o ang Diablo ang nakadaya sa buong sanlibutan. Kay Satanas ang Pambuong Sanlibutan. Kung ang Iglesia Katolika Romana ay pambuong sanlibutan o laganap sa buong sanlibutan kung gayon ito ang nadaya ni Satanas."
-PASUGO Setyembre 1970, p.20
Labels:
Apostate Church,
INC Prophesy,
Isaiah 34:16,
Sanlibutan,
Total Apostasy
Monday, July 23, 2001
PASUGO 1969 Quotes
PASUGO 1969
“Kung buhay an sugo, Makikita niya na hindi nasayang;
Ang mga panahong kanyang ginugol nang siya'y mangaral;
Saka ang Iglesia'y hindi lamang dito ngayon nakatatag;
Tumawid na ito sa ibayong Pangpang nitong Pilipinas;
Pati na sa Hawaii at sa San Francisco doo'y lumaganap;
Nakatatag ngayon si Cristong pinakahahamak;
Papaano di gayon ay kalat na ngayon ang mga kapatid;
At nangakalatag sa palibut-libot ng buong daigdig."
-PASUGO Abril 1969, huling panakip (patula)
Saturday, June 23, 2001
PASUGO 1968 Quotes
PASUGO 1968
“Sino ang tinutukoy ng salitang "dahil sa atin?" Lahat ba ng taong makababasa at nakaririnig ng salitang ito? Ang tinutukoy ng salitang "dahil sa atin" ay ang nagsasalita at ang kinakausap. Sino ang nagsasalita? Ang nagsasalita ay si Apostol Pablo, Ministro ng Iglesia ni Cristo at ang kinakausap niya'y ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo."
-PASUGO Peb. 1968, p.20
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
-PASUGO Mayo 1968, p. 5
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
-PASUGO Mayo 1968, p. 7
“Dapat malaman ng lahat-- Dahil dito, ipinahahayag na mula ngayon ang mga nakalagda sa kasulatang ito bilang pasimulang kaanib sa lokal ng San Francisco, Estados Unidos ng Amerika, ay iniuugnay at ngayon ay nasasakop ng Pamahalaang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na may Tanggapang Pangkalatan sa 154, F. Manalo St., San Juan, Rizal, Republika ng Pilipinas."
-PASUGO Oktubre 1968
Wednesday, May 23, 2001
PASUGO 1967 Quotes
PASUGO 1967
“Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."
-PASUGO Mayo 1967, 9.14
“Alaala natin ngayon ang kanyang kaarawan
Isang sangol na lalaki sa atin ay ibinigay;
Ang araw ay ika-sampu ang buwan ay Mayo naman;
Nang kumita ng liwanag ang sinugong ating mahal;
Sa dahon ng kasaysayan ay hindi na mapipigtal;
Ang kanyang kasaysayang punung-puno ng tagumpay."
-PASUGO Hunyo 1967, p. 11 (patula)
-PASUGO Hunyo 1967, p. 16, (sinulat din ni T.C. Catangay)
'The Philippines were Spain's share of the first colonizing movement in the Far East'"It is clearly testified to by history that the Far East is the Philippines. Filipino race, therefore, are the sheep of Christ..."
-PASUGO November 1967, p. 33
Labels:
Birthday,
Exclusive Salvation,
INC Prophesy,
Last Messenger,
Manalo vs Christ,
Sugo,
World War I
Monday, April 23, 2001
PASUGO 1966 Quotes
PASUGO 1966
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
-PASUGO, Abril 1966, p. 46
“Sa panahong ito'y ang Iglesia ni Cristo lamang ang may karapatang gumamit ng pangalan ni Cristo. Maliban sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay walang may karapatang gumamit sa mahalagang pangalang ito."
-PASUGO Pebrero 1966, p. 18, (sinulat ni Benjamin Santiago)
“Totoo na kailangan ng tao ang pananampalataya upang maligtas, ngunit kung siya'y hindi Iglesia ni Cristo, tiyak na hindi siya maliligtas’
-PASUGO Agosto 1966, p.13: (sinulat ni Tomas C. Catangay)
"Kung patay na ang tao ay wala nang nalalamang anuman. Wala siyang isip. May bahagi ba ang patay sa anumang ginagawa ng buhay? Wala! Walang nababahagi ang patay."
-PASUGO Disyembre 1966, p. 10
Friday, March 23, 2001
PASUGO 1965 Quotes
PASUGO 1965
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
-PASUGO Disyembre 1965, p. 5
Tuesday, January 23, 2001
PASUGO 1964 Quotes Taong-tao si Cristo
PASUGO 1964
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”
-PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo asJerusalem . Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."
-PASUGO Enero 1964, p. 2
-PASUGO Enero 1964, p. 6
“... ang tanging may Dios ay si Felix Manalo at ang mg umugnay sa kanyang gawain."
-PASUGO Mayo 1964, p. 1
Sa ubod ng aming puso at damdamin;
Nagkapalad kami sa gintong layunin;
Sa sikap ng Sugong naghirap sa amin.
Ang pagtatagumpay, dangal at alindog;
Ng Iglesia ngayo'y banal na kinaloob;
Sa isang pag-asa kami ay nabuklod;
Ang aming dalangin sa paninikluhod;
Salamat sa SUGO... Salamat sa Dios."
-PASUGO Mayo 1964, p. 3: (patula)
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."
-PASUGO Mayo 1964, p. 15
“Noong 1904, ay nag-aral si Felix Manalo sa paaralan ng Methodist Theological Seminary.” -p.180 [Sinasabing nagpunta si Manalo sa Amerika noong 1919, at nag-aral sa Pacific School of Religion sa California , USA sa pahina 182 ]
-PASUGO Hulyo 27, 1964, p. 180, 182; (Ika-50 Anibersaryo)
“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).
“Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."
-PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2,5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
-PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Tandang-tanda namin noon nang ang sugo ay namatay;
Ikaw noon ay nanumpa sa harap ng kanyang bangkay;
At ikaw ay lumuluhang pangako ay inusal;
Ang sabi mo'y tutupad ka sukdang ikaw ay mamamatay;
Mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Amang Banal."
-PASUGO Disyembre 1964, p. 2: (ukol kay Erdy)
Subscribe to:
Posts (Atom)