Showing posts with label Catholic Church. Show all posts
Showing posts with label Catholic Church. Show all posts

Thursday, November 23, 2000

PASUGO 1962 Quotes

PASUGO 1962

“Makagagawa ka ng mabuti kung ang mga aral ng INK ay iyong tututulan at ipakita mo sa pamamagitan ng Biblia. Kung iyan ay magagawa mo... makapaglilingkod ka pa sa Dios at makapaglilingkod ka pa sa kapwa mo tao."
-PASUGO Marso 1962, p.2

“Ang mga sugo ay kusang pinagkalooban ng Dios na makaunawa ng mga salita ng Dios. Ang mga hindi sugo ay kusang pinagkaitan naman na makaunawa nga mga salita ng Dios."
-PASUGO Hunyo 1962, p. 35

“Sino ang nagtayo ng Iglesia Katolika Apostolika Romana? Ang Konsilyo Batikano! Kailan? Noong 1870." 
-PASUGO Agosto 1962, p. 3: (sinulat ni Ben Santiago)


“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
-PASUGO Agosto 1962, p. 9

Thursday, March 23, 2000

PASUGO 1952 Quotes

PASUGO 1952

“Hindi mapapasinungalingan ninuman na talagang ang Iglesia Katolika ang lumitaw sa loob ng Emperyo Romano noong ika-apat na siglo."
-PASUGO Pebrero 1952, p. 9: (sinulat ni Joaquin Balmores)

“Mula sa taong 527 hanggang 565 sa panahon ng Emperador Justinano naging ganap ang pagkatatag ng Iglesiang ito na sumipot sa Pulong ng Nicea." 
-PASUGO Mayo 1952, p. 5: (sinulat ni Ben Santiago)

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
-PASUGO Mayo 1952, p. 4