PASUGO August 1939, p. 17
Isinulat ni Benjamin Santiago Sr.
“Ang batang lalaking ipanganganak na tinutukoy ni
Isaias ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sinasabi ding Siya’y aatangan ng
pamamahala; na ito’y pinatunayan ni Cristo ng sabihin Niyang: “Ang kapamahalaan
sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin” (Mt. 28:18). Pagkatapos na Siya’y atangan ng pamamahala,
Siya’y TATAWAGING DIOS; ngunit, HINDI TUNAY NA DIOS, kundi TATAWAGING LAMANG, gaya
ng pagtatawag na dios sa mga anak ng Kataastaasan. Maliwanag na sinasabi ng
talata na si Cristo na tinatawag na Dios ay may Dios na kinikilala; at ang
Kanyang Dios ay Siyang nagpahid o naghalal sa Kanya; sapagkat ang kahulugan ng
salitang Cristo ay pinahiran. Sa Juan 20:17 ay sinabi ni Cristo: “Aakyat Ako sa
Aking Ama, sa inyong Ama at sa AKING DIOS sa inyong Dios. Kung gayon, ang ating
Panginoong Jesu-Cristo dios na may Dios.”
PASUGO Nobyembre 1939
“Bakit pa kami mag-aaral sa naniniwala naman kaming si
Cristo’y TINATAWAG NA DIOS. Ikinakapit na talaga kay Cristo ang salitang “Dios”
nguni’t si Cristo ay hindi TUNAY NA DIOS, kundi TINATAWAG LAMANG DIOS. Ang salitang “Dios” ay ikinakapit din sa mga
anak ng Kataastaasan, tinatawag din silang Dios (Awit 82:6, Juan 10:34-35). Ikinakapit din sa anghel
ang salitang “Dios” (Huk. 13:21-22; Gen. 32:28; Osias 12:3-4). Si Moises ay ginawang Dios ng Dios at parang Dios (Exo.
7:1; 4:16). Kung sa mga anak ng Dios ay ikinakapit ang salitang “Dios” lalong
may katwirang ikapit kay Cristo ang salitang ito (Dios), nguni’t hindi ito
katunayang si Cristo ay tunay na Dios kundi Siya’y tinatawag lamang Dios.”