Saturday, June 23, 2001

PASUGO 1968 Quotes

PASUGO 1968

“Sino ang tinutukoy ng salitang "dahil sa atin?" Lahat ba ng taong makababasa at nakaririnig ng salitang ito? Ang tinutukoy ng salitang "dahil sa atin" ay ang nagsasalita at ang kinakausap. Sino ang nagsasalita? Ang nagsasalita ay si Apostol Pablo, Ministro ng Iglesia ni Cristo at ang kinakausap niya'y ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo."
-PASUGO Peb. 1968, p.20

"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
-PASUGO Mayo 1968, p. 5

“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
-PASUGO Mayo 1968, p. 7

“Dapat malaman ng lahat-- Dahil dito, ipinahahayag na mula ngayon ang mga nakalagda sa kasulatang ito bilang pasimulang kaanib sa lokal ng San Francisco, Estados Unidos ng Amerika, ay iniuugnay at ngayon ay nasasakop ng Pamahalaang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na may Tanggapang Pangkalatan sa 154, F. Manalo St., San Juan, Rizal, Republika ng Pilipinas."
-PASUGO Oktubre 1968