Showing posts with label Pagka-Diyos ni Cristo. Show all posts
Showing posts with label Pagka-Diyos ni Cristo. Show all posts

Saturday, November 28, 2020

'Si Cristo ay DIOS' sa katawagan ngunit hindi tunay ayon sa Pasugo

 PASUGO August 1939, p. 17

Isinulat ni Benjamin Santiago Sr.

“Ang batang lalaking ipanganganak na tinutukoy ni Isaias ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sinasabi ding Siya’y aatangan ng pamamahala; na ito’y pinatunayan ni Cristo ng sabihin Niyang: “Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin” (Mt. 28:18).  Pagkatapos na Siya’y atangan ng pamamahala, Siya’y TATAWAGING DIOS; ngunit, HINDI TUNAY NA DIOS, kundi TATAWAGING LAMANG, gaya ng pagtatawag na dios sa mga anak ng Kataastaasan. Maliwanag na sinasabi ng talata na si Cristo na tinatawag na Dios ay may Dios na kinikilala; at ang Kanyang Dios ay Siyang nagpahid o naghalal sa Kanya; sapagkat ang kahulugan ng salitang Cristo ay pinahiran. Sa Juan 20:17 ay sinabi ni Cristo: “Aakyat Ako sa Aking Ama, sa inyong Ama at sa AKING DIOS sa inyong Dios. Kung gayon, ang ating Panginoong Jesu-Cristo dios na may Dios.”

 

PASUGO Nobyembre 1939, p. 17

“Bakit pa kami mag-aaral sa naniniwala naman kaming si Cristo’y TINATAWAG NA DIOS. Ikinakapit na talaga kay Cristo ang salitang “Dios” nguni’t si Cristo ay hindi TUNAY NA DIOS, kundi TINATAWAG LAMANG DIOS.  Ang salitang “Dios” ay ikinakapit din sa mga anak ng Kataastaasan, tinatawag din silang Dios (Awit 82:6, Juan 10:34-35). Ikinakapit din sa anghel ang salitang “Dios” (Huk. 13:21-22; Gen. 32:28; Osias 12:3-4). Si Moises ay ginawang Dios ng Dios at parang Dios (Exo. 7:1; 4:16). Kung sa mga anak ng Dios ay ikinakapit ang salitang “Dios” lalong may katwirang ikapit kay Cristo ang salitang ito (Dios), nguni’t hindi ito katunayang si Cristo ay tunay na Dios kundi Siya’y tinatawag lamang Dios.”


“...kaya’t ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi tunay na Dios na lumalang sa langit at lupa, kundi tinatawag lang na Dios. Bakit siya tinatawag na Dios, sapagka’t siya’y kinaroroonan ng mga salita ng Dios gaya ng ating mababasa sa Juan 12:42...”

Tuesday, September 8, 2020

'DIOS SI CRISTO' ayon sa PASUGO

PASUGO August 1939, p. 17 Isinulat ni Benjamin Santiago Sr. 

 “Ang batang lalaking ipanganganak na tinutukoy ni Isaias ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sinasabi ding Siya’y aatangan ng pamamahala; na ito’y pinatunayan ni Cristo ng sabihin Niyang: “Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin” (Mt. 28:18). Pagkatapos na Siya’y atangan ng pamamahala, Siya’y TATAWAGING DIOS; ngunit, HINDI TUNAY NA DIOS, kundi TATAWAGING LAMANG, gaya ng pagtatawag na dios sa mga anak ng Kataastaasan. Malinawag na sinasabi ng talata na si Cristo na tinatawag na Dios ay may Dios na kinikilala; at ang Kanyang Dios ay Siyang nagpahid o naghalal sa Kanya; sapagkat ang kahulugan ng salitang Cristo ay pinahiran. Sa Juan 20:17 ay sinabi ni Cristo: “Aakyat Ako sa Aking Ama, sa inyong Ama at sa AKING DIOS sa inyong Dios. Kung gayon, ang ating Panginoong Jesu-Cristo dios na may Dios.” 


 PASUGO Nobyembre 1939 

“Bakit pa kami mag-aaral sa naniniwala naman kaming si Cristo’y TINATAWAG NA DIOS. Ikinakapit na talaga kay Cristo ang salitang “Dios” nguni’t si Cristo ay hindi TUNAY NA DIOS, kundi TINATAWAG LAMANG DIOS. Ang salitang “Dios” ay ikinakapit din sa mga anak ng Kataastaasan, tinatawag din silang Dios (Awit 82:6, Juan 10:34-35). Ikinakapit din sa anghel ang salitang “Dios” (Huk. 13:21-22; Gen. 32:28; Osias 12:3-4). Si Moises ay ginawang Dios ng Dios at parang Dios (Exo. 7:1; 4:16). Kung sa mga anak ng Dios ay ikinakapit ang salitang “Dios” lalong may katwirang ikapit kay Cristo ang salitang ito (Dios), nguni’t hindi ito katunayang si Cristo ay tunay na Dios kundi Siya’y tinatawag lamang Dios.”

Sunday, April 11, 1999

PASUGO Agosto, p. 16-17 (Dios si Cristo)

Ang atin bang Panginoong Jesu-Cristo ay tinatawag ding Dios? Tunghayan natin ang h ula ng profetang Isaias sa 9:6:

"Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang ISANG ANAK NA LALAKI; at ang pmamahala ay maaatang sa Kanyang balikat; At ang kaniyang pangalan ay TATAWAGIN KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHAN DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN."

-PASUGO Agosto 1939, p. 16-17 (Sinulat ni Benjamin Santiago)