Saturday, November 28, 2020

'Si Cristo ay DIOS' sa katawagan ngunit hindi tunay ayon sa Pasugo

 PASUGO August 1939, p. 17

Isinulat ni Benjamin Santiago Sr.

“Ang batang lalaking ipanganganak na tinutukoy ni Isaias ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sinasabi ding Siya’y aatangan ng pamamahala; na ito’y pinatunayan ni Cristo ng sabihin Niyang: “Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin” (Mt. 28:18).  Pagkatapos na Siya’y atangan ng pamamahala, Siya’y TATAWAGING DIOS; ngunit, HINDI TUNAY NA DIOS, kundi TATAWAGING LAMANG, gaya ng pagtatawag na dios sa mga anak ng Kataastaasan. Maliwanag na sinasabi ng talata na si Cristo na tinatawag na Dios ay may Dios na kinikilala; at ang Kanyang Dios ay Siyang nagpahid o naghalal sa Kanya; sapagkat ang kahulugan ng salitang Cristo ay pinahiran. Sa Juan 20:17 ay sinabi ni Cristo: “Aakyat Ako sa Aking Ama, sa inyong Ama at sa AKING DIOS sa inyong Dios. Kung gayon, ang ating Panginoong Jesu-Cristo dios na may Dios.”

 

PASUGO Nobyembre 1939

“Bakit pa kami mag-aaral sa naniniwala naman kaming si Cristo’y TINATAWAG NA DIOS. Ikinakapit na talaga kay Cristo ang salitang “Dios” nguni’t si Cristo ay hindi TUNAY NA DIOS, kundi TINATAWAG LAMANG DIOS.  Ang salitang “Dios” ay ikinakapit din sa mga anak ng Kataastaasan, tinatawag din silang Dios (Awit 82:6, Juan 10:34-35). Ikinakapit din sa anghel ang salitang “Dios” (Huk. 13:21-22; Gen. 32:28; Osias 12:3-4). Si Moises ay ginawang Dios ng Dios at parang Dios (Exo. 7:1; 4:16). Kung sa mga anak ng Dios ay ikinakapit ang salitang “Dios” lalong may katwirang ikapit kay Cristo ang salitang ito (Dios), nguni’t hindi ito katunayang si Cristo ay tunay na Dios kundi Siya’y tinatawag lamang Dios.”

 

3 comments:

  1. kampon ni satanas ang nagsulat nito.lumalabas na si Cristo ay diosdiosan dahil tinawag na HINDI TUNAY NA DIOS dahila ng tanging tawag sa HINDI TUNAY NA DIOS ay DIOS-DIOSAN.

    ReplyDelete
  2. Wala naman talagang Claim si Cristo na siya ay tunay na Dios...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Juan 17:3 RTPV05
      Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.

      Delete