Sunday, April 23, 2000

PASUGO 1954 Quotes

PASUGO 1954

“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
-PASUGO Mayo 1954, p. 9

Ang mga alagad ni Jesus na dating sumusunod sa hulihan niya ay inihiwalay ninyo sa pagsunod sa Kanya, at pinasunod ninyo sa inyong hulihan. Kaya nawalan ng tao ang Iglesia. Ang natira sa Iglesia'y si Jesus at ang mga salita ng Dios."
-PASUGO Hulyo 1954, p.4

"Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."
-PASUGO Nobyembre 1954, p. 2, 1

Tuesday, April 18, 2000

Felix Manalo, Iglesia Ni Cristo's Founder-head

A Protestant author, Dr. Arthur Leonard Tuggy, attributes the Iglesia ni Cristo's fantastic growth to, among other factors, Dedicate laymen eager to spread their message and an effective deployment of ministers. "And behind all this," he notes, "was the continuing charismatic leadership of its founder-head, Felix Manalo, now firmly anchored to a doctrinal base as Gods messenger for the Philippines..." 

- PASUGO May-June 1986 written by Isabelo T. Crisotomo

Thursday, March 23, 2000

PASUGO 1953 Quotes

PASUGO 1953

“Ito'y natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y marunong bagama't hindi nag-aral kailanman. At ang kanyang dunong ay humihiya sa mga kumakaaway sa kanya. Natupad din ito kay kapatid na Felix Manalo. Siya'y walang katangian ayon sa laman. Natupad gaya ng dunong, kayamanan, o kaya'y kapangyarihan. Hindi siya nag-aral sa paaralan ng tao. Ngunit kung si Kapatid na Felix Manalo man ay mangmang sa karunungan ng sanlibutan, gayunman ay marunong siya ng mga salita ng Dios."
-PASUGO Enero 1953, p. 10

Kami raw na mga Iglesia ni Cristo ay nagtatangi ng mga tao. Sinasarili raw namin ang kaligtasan. Iyan ay hindi totoo, at kung may nasasabi niyan sa amin sa kasalukuyan, iyan ay bunga ng malaking kadiliman na naghahari sa kanyang buong pagkatao.
-PASUGO Hulyo 1953, p. 15, (sinulat ni Joaquin Balmores)

PASUGO 1952 Quotes

PASUGO 1952

“Hindi mapapasinungalingan ninuman na talagang ang Iglesia Katolika ang lumitaw sa loob ng Emperyo Romano noong ika-apat na siglo."
-PASUGO Pebrero 1952, p. 9: (sinulat ni Joaquin Balmores)

“Mula sa taong 527 hanggang 565 sa panahon ng Emperador Justinano naging ganap ang pagkatatag ng Iglesiang ito na sumipot sa Pulong ng Nicea." 
-PASUGO Mayo 1952, p. 5: (sinulat ni Ben Santiago)

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
-PASUGO Mayo 1952, p. 4

Wednesday, February 23, 2000

PASUGO 1941 Quotes

PASUGO 1941

“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"
-PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:

Hindi inaangkin ng Iglesia ni Cristo ang karapatan ni Cristo at ng mga Apostol o ng ninuman. Siya'y may sariling karapatang galing sa Dios at kaloob ng Dios. Siya'y inihalal ng Dios at hindi siya ang naghalal sa kanyang sarili. Sa Apoc. 7:2 ay sinasabing isang anghel ang may taglay na tatak ng Dios na Buhay."
-PASUGO Enero 1941, p. 12

Sunday, January 23, 2000

PASUGO 1940 Quotes

PASUGO 1940

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
-PASUGO Hunyo 1940, p. 27

“Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito." 
-PASUGO Setyembre 1940, p. 1

Sunday, April 11, 1999

PASUGO Agosto, p. 16-17 (Dios si Cristo)

Ang atin bang Panginoong Jesu-Cristo ay tinatawag ding Dios? Tunghayan natin ang h ula ng profetang Isaias sa 9:6:

"Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang ISANG ANAK NA LALAKI; at ang pmamahala ay maaatang sa Kanyang balikat; At ang kaniyang pangalan ay TATAWAGIN KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHAN DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN."

-PASUGO Agosto 1939, p. 16-17 (Sinulat ni Benjamin Santiago)

Saturday, April 10, 1999

PASUGO 1939 Quotes


"... sapagka't ang makapagpapatong lamang ng kamay ay ang mga inihalal ng Dios sa pamamagitan ng hula o ng pagtawag ng harapan."
-PASUGO Marso 1939, p. 17