Saturday, February 25, 2012

Ang mga Nagpapatotoo tungkol sa Iglesia Ni Cristo


PASUGO God's Message, February 2012, Volume 2, ISSN 0116-1636, pp. 27-29
Sinulat ni Lloyd I. Castro

SA PANAHONG CRISTIANO, ibibilang tayong mga anak ng Dios kung may kaugnayan tayo sa Kaniyang Anak na si Jesucristo.  Upang magkaroon tayo ng kaugnayan kay Cristo, kailangang maging miyembro tayo ng Kaniyang Iglesia.  Ang kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo ang may relasyon sa Kaniya dahil sa ang Iglesia ay katawan Niya at Siya ang ulo nito (Col. 1:18; Efe. 5:32, Magandang Balita Biblia).

Kaya, kung sinasabi ng isang tao na siya'y anak ng Diyos o siya'y may relasyon kay Cristo, kailangang mapatunayan muna niyang ang iglesia o samahang panrelihiyong kinabibilangan niya ay siyang tunay na kay Cristo sa panahong ito.  Ang Panginoong Jesucristo na tagapagtatag mismo ng Iglesia, ang mga apostol Niya, at higit sa lahat, ang Dakilang Diyos, ang mga nagpapatotoo kung alin lamang sa napakaraming iglesia at pangkatin ng pananampalataya ngayon ang iisang Iglesiang titinatag ni Cristo.

Iyon ang iglesiang dapat nating pasukan upang maging totoo at matibay ang ating pagkakatiwalang may relasyon tayo sa Panginoong Jesus, at sa gayon, tayo'y sa Ama na iisang tunay na Diyos.

Ang patotoo ni Jesus

Ayon sa Apocalipsis 19:10, "ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula."  Suriin natin kung ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas ay pasado sa pamantayang ito.

Kung ang Iglesia Ni Cristo ang siya lamang Iglesiang kay Jesucristo, may patotoo ba Siya tungkol dito?  May hula (prophecy) ba Siya tungkol sa paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914?

Ang totoo, ang pagkakatatag ng Iglesiang ito ay katuparan ng hula ni Cristo na nakasulat sa Juan 10:16 tungkol sa Kaniyang ibang mga tupa: "Mayroon pa Akong ibang mga tupa.  Sila ay wala sa kawan na narito.  Kailangan Ko din silang pangunahan.  Sila ay makikinig sa Aking tinig.  Sa  hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol." (Isinalin mula sa Easy-to-Read Version).

Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan.  Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo.

Pinatunayan ni Apostol Pablo na ang kawan ng Panginoon ay ang Iglesia Ni Cristo.  Ganito ang sinabi niya sa Gawa 20:28: "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo" (Isinalin mula sa Lamsa Translation)

Ang patitipon sa ibang mga tupa ng Panginoong Jesus upang maging Iglesia Ni Cristo ay mangyayari sa hinaharap o sa darating na panahon.  Kaya tinawag Niya silang Kaniyang ibang mga tupa ay dahil "wala sila sa kawang narito," na ang tinutukoy ay ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo.

Hindi nangangahulugang dalawang Iglesia ang itinayo ni Cristo.  Ang Iglesia noong unang siglo at ang Iglesiang kinabibilangan ng Kaniyang ibang mga tupa ay iisang Iglesia Ni Cristo.  Kung paanong iisa ang ulo, si Cristo, iisa lamang ang katawan o Iglesia (Efe. 4:4; Col. 1:18).  Ang paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay muling pagkakatatag sa tunay na Iglesia.

Kailangan ang muling p agtatatag sa Iglesiang nagsimula sa Jerusalem noong unang siglo sapagkat ito ay naitalikod sa pananampalataya noong pumanaw na ang mga apostol (Gawa 20:29-30; I Tim. 4:1).  Kung paanong ipinagpauna ng Panginoon na ang Iglesia ay ililigaw ng mga bulaang propeta o mga huwag na tagapangaral (Mat. 24:4, 9, 11), hinulaan din Niya ang pagkakaroon ng isang kawan sa hinaharap na panahon o ang muling pagtatatag sa Kaniyang Iglesia.

Ang patotoo ng mga apostol

Nagbigay rin ang gma apostol ng patotoo na ang "isang kawan sa hinaharap" na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas.  Ito ang katuparan ng hinulaan ni Apostol Pedro na ikatlong grupo ng mga taong pinangakuan ng Espiritu Santo: "Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus... Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya" (Gawa 2:36, 39, amin ang pagdiriin).

Malinaw na ang "sa inyo" ay Judio na umanib sa Iglesia noong unang siglo.  Ang tinutukoy naman na "sa inyong mga anak" ay ang mga Gentil na naging Cristiano sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, pangunahin na ni Apostol Pablo na isang Judio (I Cor. 4:14-15).

Kung gayon, ang "mga nasa malayo" ay hindi tumutukoy sa mga Gentil na naging kaanib sa unang siglong Iglesia.  Samantalang ang mga Gentil, kasama ng mga Judio, ay tinawag noong panahon ng mga apostol (Roma 9:24), ang ikatlong grupo naman ay tatawagin pa lamang: "sa lahat ng nasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng ... Dios."

Tulad ng nabanggit na, iisa lamang ang tunay na Iglesia, Gayunman, ito ay binubuo ng tatlong grupo ng tao. Ang unang dalawang grupo na magkapanahon-- ang mga Cristianong Judio at Gentil-- ang bumubuo sa Iglesia noong unang siglo.  Ang ikatlong gruop ay malayo sa kanila sa panahon at dako.  Ganito ang pagkakasalin ni C.H. Rieu sa Gawa 2:39: "Sapagkat ang kaloob ay ipinangako sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayong mga panahon at dako, na tatawagin ng Panginoon nating Diyos sa kaniya" (Isinalin mula sa Rieu Translation).

Ang patotoo ng Diyos

Ang malayong dako sa mula roon ay tatawagin ang ibang mga tupa ni Cristo ay ang Malayong  Silangan, ayon sa hula ng Diyos sa Isaias 43:5: "Mula sa malayon gsilangan dadalhin Ko ang iyong lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin Ko kayo" (Isalin mula sa Moffat Translation).

Kabilang sa tinatawag na dako ng mga Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa.  Ang mga ito ay wala sa Malayong Silangan.  Ang Far East o Malayong Silangan ay ang rehiyon sa Asya na kinaroroonan ng Pilipinas (Kenneth Scott Latourette. A Short History of the Far East, p. 209), na rito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa panahong ito.

Ang binabanggit naman na "malayong mga panahon" ay tumutukoy sa ekspresyong "mga wakas ng lupa."  Sa panahong iyon tatawagin o dadalhin ng Diyos ang Kaniyang mga anak na lalake at babae na mula sa silangan, sa malayo.  Sa Isaias 43:5-6, ganito ang nakasulat: "Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga, 'Bayaan mo!' At sa timugan, 'Huwag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking mga anak na mula sa malayo, at ang Aking mga anak na babae namula sa mga wakas ng lupa" (Isinalin mula sa New King James Version).

Ang wakas ng lupa ay sa Ikalawang Pagparito ni Cristo o Araw ng Paghuhukom (Mat. 24:3; II Ped. 3:7).  Ang panahon bago ang dakilang araw na iyon ay tinawag ni Cristo na "mga pintuan" na ayon din sa Kaniya ay "malapit na" (Mat. 24:33).  Kung gayon, ang "mga wakas ng lupa" ay ang panahong malapit na ang wakas.

Kabilang sa mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang panahon ay nasa mg awakas na ng lupa ay mga digmaang ito ay mapapabalita (Mat. 24:6-7).  Ang mga digmaang ito ay mapababalita (Mat. 24:6, MB) sa buong mundo sapagkat ang mga digmaang ito mismo ay pambuong mundo.

Sa kasaysayan, may dalawang digmaang pandaigdig, Worl War I (Unang Digmaang Pangdaigdig) at World War II (Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na naganap halos 19 na siglo ang layo sa panahon ng Iglesiang pinamahalaan ng mga apostol.  Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Hulyo 27, 1914.  Ito ang pagsisimula ng panahong "mga wakas ng lupa" kung kailan hinulaang tatawagin ng Diyos ang Kaniyang mga anak mula sa Malayong Silangan.  Bilang katuparan ng hulang ito, ang Iglesia Ni Cristo ay narehistro sa pamahalaan ng Pilipinas sa mismong petsang iyon.

Kung gayon, ang kawan na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na bumangon sa Pilipinas noong 1914.  Ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na ang mga kaanib ng Iglesiang ito ay ang Kaniyang mga anak.  Tiniyak ng Panginoong Jesus na sila'y Kaniyang mga tupa o mga alagad, alalaong baga'y tunay na Cristiano.  At ang pahayag ng apostol na sila'y tumatanggap ng kaloob ng Espiritu Santo ay katumbas ng rin ng patotoo na ang Iglesia Ni Cristo ay siyang bayan ng Diyos sa panahong ito (Efe. 1:13-14, MB).

Kaya, sa Iglesia Ni Cristo nararapat maging miyembro ang lahat ng nagnanais magkaroon ng relasyon sa Panginoong Jesus upang mapabilang sa mga kinikilala ng Dios na ang anak Niya.

Ayon kay Apostol Pablo, "kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo" (Roma 8:16-17).  Mamanahin nila ang Bayang Banal na doon ay makakapiling nila ang Diyos magpakailanman (Apoc. 21:1-4).

Friday, February 24, 2012

PASUGO February 2012

PASUGO God's Message
February 2012, Volume 64


"As far as God the Almighty is concerned, He forcefully declared: 'I alone know the plans I have for you, plans to bring you prosperity and not disaster, plans to bring about the future you hope for.' (Jer. 29:11 TEV)

"Implementation of God's plan entails that men be gathered together as members (Rom. 12:4-5, Ibid.) in one body or Church (Col. 1:18, Ibid.), the name of which is Church Of Christ (Acts 20:28, Lamsa Translation).'

"That fold or flock that Jesus purchased with His redemptive blood is the Church Of Christ (Acts 20:28, Lamsa).

"Membership in the Church Of Christ, then, is the first step in satisfying God's intention.

"... God's people, members of the Church Of Christ, knowingly understand that the hardships and troubles in life they go through in their journey in this world are just 'learning experiences' and that tomorrow will always be better."

"Life in this world means that there will always be bad news, setbacks, failures, disasters, horrors, and despair... so members of the Church Of Christ can springtly continue their forward march to salvation and eternal life."
PASUGO God's Message, "Optimism in time of pessimism", pp. 1-2, (by Richard J. Rodas, Editor-in-Chief).


------------------------------------------------------------

"Through love takes many shapes and forms in loving others and in loving the brotherhood in the Church, among others, there is a kind of love--immeasurable, boundless, unfailing, and enduring-- which only our Lord God can offer.

"Jesus commanded us to love others as we love ourselves (Matt. 22:39). But love is more than just a word... it is commitment, conduct, action, and attitude.  It should be backed up by concrete deeds-- kindness to strangers, respect for the elderly, helping the poor and the downtrodden, not talking behind someone's back..."

"To prove to all that they are really His disciples, Christ commanded His followers to 'love one another' (John 13:34-35).  Thus, members of the Church Of Christ regard one another as brothers (or sisters, as the case maybe)..."

"By placing a high premium on loving the brotherhood, God's people prove that they are true servants of Christ and are worthy of God's promise (I Pet. 3:8-10, 12-13)."

"God demonstrated His great love through Christ (John 3:16) in that, although all men have fallen into sin and thus have been awaiting eternal punishment on Judgment Day (Rom. 5:12, 6:23; Rev. 20:14), He sent His beloved Son to give them chance to be redeemed with His blood."

"... not all people have been redeemed by Christ with His blood.  God accorded the Church Of Christ only His great love since it is the only Church redeemed by Christ with His blood (Acts. 20:28, Lamsa Translation)"

"Being the beneficiaries of God's perfect and immeasurable love... most of all, for being redeemed through the blood of Christ and thus be saved from God's wrath come Judgment Day, it is only reasonable that Church members prove their love to Him by obeying His commandments (I John 5:3)."

"Fulfilling this mission to win people over to the true Church is no ordinary undertaking because in so doing, they are saving souls, pulling them out of the fire... God Himself wants all men to be saved..."

"... the task of snatching or rescuing as many souls as possible from the fire is made more urgent and immediate."

Above all, if people take the opportunity to benefit from God's unfailing love by joining the true Church Of Christ, salvation and eternal life await them on the nearing day of Judgment."
PASUGO God's Message, "God's Great Love", pp. 3-5, (by Roland A. Aguirre)

---------------------------------------------------


[Since Jesus is just a man, would it be acceptable for the INC™ if the word "Father" (God) is replaced with "Jesus" using the same attributes to God (words in parenthesis and all emphasis are mine) without an iota of doctrinal error? -CD2000]

POEM: Here I am, my Father (Jesus)

Here I am, my Father (Jesus)
I clasp my hands upon my chest (Jesus)
I lift my heart to Thee, O Father (Jesus)
I bend my knees and bow in pray'r; (Jesus)
Tears run down and keep on  falling (Jesus)
Like a river without end (Jesus)
But even when no words were uttered (Jesus)
I know, I know, You understand (Jesus)
My aches, my joys, my sufferings (Jesus)
My courage, enduring faith (Jesus)
In living, loving, losing (Jesus)
In stumbling and standing straight. (Jesus)

Here I am, my Father (Jesus)
Forgive me; hear my plea (Jesus)
Though I have erred, I've never dared (Jesus)
To disobey nor anger Thee; (Jesus)
In weakness, I have fallen (Jesus)
In doubt, I lost my path (Jesus)
But You are kind and forgiving (Jesus)
To a humble, contrite heart. (Jesus)

Here I am, my Father (Jesus
I feel Thy presence great (Jesus)
Shudder I, in fear and awe (Jesus)
I feel Thy bounteous grace; (Jesus)
O look at me, my Father (Jesus)
I thank Thee endlessly (Jesus)
My life is filled with so much beauty (Jesus)
My strength I use in serving Thee (Jesus)
I spend my time with the chosen (Jesus)
To nurture love and unity (Jesus)
To worship Thee together and (Jesus)
Together fight the enemy. (Jesus)

By Angelina B. Reyes
Oriental Mindoro, Philippines
PASUGO God's Message, p. 5


-----------------------------------------------------

"In Pembo... in the city of Makati... a... worship building of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)... was dedicated to the Almighty on December 16, 2011.

"... the Executive Minister began his Bible-based homily by reminding the brethren... for each Church member to become worthy of receiving salvation on Judgment Day.

"The Executive Minister cited Apostle Paul's warning to the first century Church Of Christ not to follow Eve's example..."

"For a servant of God not to share the same fate, the Executive Minister enjoined all the brethren to follow the example of the Lord Jesus Christ. He was tempted... yet the Lord Jesus Christ emerged victorious...  The Lord Jesus Christ was able to do this because He held on firmly to the words of God... "

"Members of the Church Of Christ need not worry, because the Lord Jesus Christ will bless them with the [sic] His powers so that they will remain strong and steadfast in serving the Almighty Father..."
PASUGO God's Message, "Constantly Guarding our Salvation", p. 7, (by Ed H. Lumbao, with assistance from Ramil I. Macaspac II, Erman Vem M. Canlas, Augusto D. Pakipak, and Ramfel T. Serreno)

--------------------------------------------------------

" God has been fulfilling His promises to the Church Of Christ in these last days: continuous constrcution of worship buildings, acquisition of properties in different part of the world... and an evergrowing  Church membership."

"... Brother Eduardo V. Manalo, began... by enumerating the victorious march of the Church Of Christ..."

"Brother Ernesto V. Suratos led the prayer for the offering..."

"Brother Eduardo emphasized the importance of ensuring that one's name be written in the Book of Life... God's chosen people in these last days are joyful... of being sure of having one's name written in the Book of Life... because they are assured of salvation come Judgment Day..."

"The Bible identified the servants of the Lord God who are certain of having their names written in the Book of Life.  They are the members of the Church who have preserved through extreme hardships, trials, and tribulations-- still faithfully praising and serving God whatever they experienced..."
PASUGO God's Message, "Enduring Our Salvation", p. 10-11 (by Alejandro R. Sino Cruz Jr., with assistance from Eraño C. Malli, June Voltaire Y. Saligumba, and Markfel T. Serreno)

---------------------------------------------------

"Keynoting that 2012 has been designated for the Church's intensive propagation of the gospel, Brother Eduardo V. Manalo... taught that the success of the Church's missionary endeavors... lie in their faithful obedience of God's commandments and instructions."

"...Brother Eduardo disproved the wrong notion that one can still succeed even if he violates the will of God.  He added that all Church workers should also obey the instructions handed down by the Church Administration..."

"... Brother Eduardo disproved the wrong  notion that one can still succeed even if he violates the will of God.  He added that all the Church workers should also obey the instructions  handed down by the Church Administration..."

"Brother Eduardo cited the experience of the first-century Church Of Christ which grew tremendously when all the members submitted themselves completely to God and the Church Administration."

"...[Eduardo] added that bearing fruit is not only confined to having someone baptized in the Church but, as what may brethren have been doing also by giving or handing out Pasugo: God's Message magazine..."

"Brother Eduardo then exhorted the congregation to always ask for the Holy Spirit in their prayers..."
PASUGO God's Message, "1st District Ministers' Conference for 2012: Executive Minister Highlights Value of Obedience as Key to Church's Success", p. 12-13 (by Norman A. Reyes)


-----------------------------------------------------------

"Sixty men were added to the Church's global ministerial force, bringing to 1,140 the total of ministers who have been ordained since January 2010-- which translates to roughly 43 ministers per month, or about 10 ministers a week-- quite a welcome in contrast to the mass exodus of priests from the Catholic Church (some 20,000 left the priesthood during the last 50 years in the United States alone), as author Donald B. Cozzens recounted in his book entitled, 'The Changing Face of Priesthood: A Reflection on the Priest's Crisis of Soul'."



"Brother Eduardo reminded the brethren that members of the Church Of Christ in these last days are God's chosen servants (Isa. 43:5-6, 10). As such, they are also assured of success that are nothing short of awesome..."

PASUGO God's Message, "Ordination Yields 60 New Ministers", p. 14, (by Dennis C. Lovendino)


-----------------------------------------------------


"The first dedication was with holy water. The second was with tears.
When Holy Rosary  Catholic Church was established in 1893, church leaders sprinkled holy water around the sanctuary of the fine brick edifice. Wednesday, 119 years later, the church building was dedicated as the newest church for Iglesia Ni Cristo (Filipino for Church of Christ)..."

"Many had come to see and hear the denomination's leader, Executive Minister "Brother" Eduardo V. Manalo, who flew in from the church's headquarters in the Philippines."

"The dedication service itself, nearly all in Filipino, consisted of much singing, some praying, a monetary collection and an hourlong homily by Manalo... English-speaking visitors listened through translation headsets."
PASUGO God's Message, ("Restoring Life", Reprinted with permission fro the Telegraph Herald with Publication Date: January 5, 2012 pages: 1-2, Section: A, by Mary Nevans-Pederson, TH staff writer), p. 17-18


------------------------------------------------------------

"Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan.  Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo."

PASUGO God's Message, "Ang mga Nagpapatotoo tungkol sa Iglesia Ni Cristo", February 2012, p. 27 (Sinulat ni Lloyd I. Castro)

"Ang paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay muling pagkakatatag sa tunay na Iglesia."
PASUGO God's Message, "Ang mga Nagpapatotoo tungkol sa Iglesia Ni Cristo", February 2012, p. 28 (Sinulat ni Lloyd I. Castro)

---------------------------------------------------------

"Sa panahong Cristiano, ibibilang tayong mga anak ng Dios kung may kaugnayan tayo sa Kaniyang Anak na si Jesucristo.  Upang magkaroon tayo ng kaugnayan kay Cristo, kailangang maging miyembro tayo ng Kaniyang Iglesia.

"Ang Panginoong Jesucristo na tagapagtatag mismo ng Iglesia, ang mga apostol Niya, at higit sa lahat, ang Dakilang Dios, ang mga nagpapatotoo kung alin lamang sa napakaraming iglesia at pangkatin ng pananampalataya ngayon ang iisang Iglesiang itinatag ni Cristo.

"Ayon sa Apocalipsis 19:10, 'ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.'  Suriin natin kung ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas ay pasado sa pamantayang ito.
PASUGO God's Message, "Ang mga Nagpapatotoo tungkol sa Iglesia Ni Cristo", February 2012, p. 27 (Sinulat ni Lloyd I. Castro)

--------------------------------------------------------------

"...the pioneering members of the Iglesia Ni Cristo in Cavite... local congregation of Bacoor... was established on May 1925.

"To date, the Church has congregations in all towns and cities of Cavite as 94 locals and 6 extensions of the Iglesia Ni Cristo scatter in the 19 municipalities and 4 cities of the province."
PASUGO God's Message, "The Iglesia Ni Cristo in Cavite: Spiritually Maturing in the Brithplace of Philippine Independence", February 2012, pp. 36-37 (by Jensen DG. Mañebog)