Saturday, December 23, 2000

PASUGO 1963 Quotes

PASUGO 1963



“Noong tumalikod ang bayang Israel at sumamba sa diyus-diyosan ay nagsugo ang Dios upang magtatag ng Iglesia."
-PASUGO Mayo 1963, p. 13

“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
-PASUGO Mayo 1963, p. 27

Thursday, November 23, 2000

PASUGO 1962 Quotes

PASUGO 1962

Makagagawa ka ng mabuti kung ang mga aral ng INK ay iyong tututulan at ipakita mo sa pamamagitan ng Biblia. Kung iyan ay magagawa mo... makapaglilingkod ka pa sa Dios at makapaglilingkod ka pa sa kapwa mo tao."
-PASUGO Marso 1962, p.2

Ang mga sugo ay kusang pinagkalooban ng Dios na makaunawa ng mga salita ng Dios. Ang mga hindi sugo ay kusang pinagkaitan naman na makaunawa nga mga salita ng Dios."
-PASUGO Hunyo 1962, p. 35

“Sino ang nagtayo ng Iglesia Katolika Apostolika Romana? Ang Konsilyo Batikano! Kailan? Noong 1870." 
-PASUGO Agosto 1962, p. 3: (sinulat ni Ben Santiago)


“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
-PASUGO Agosto 1962, p. 9

Monday, October 23, 2000

PASUGO 1961 Quotes

PASUGO 1961

“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda?  Ang Kapatid na Felix Manalo.”
-PASUGO May 1961, p.4

Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).

“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."
-PASUGO Mayo 1961, p. 22

“Maliwanag sa pag-aaral nating ginagawa sa unahan nito na ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo ay natalikod o ganap na nawala sa ibabaw ng lupa. Inagaw nila sa pagsunod sa hulihan ni Cristo." 
-PASUGO Mayo 1961, p. 21

Saturday, September 23, 2000

PASUGO 1960 Quotes

PASUGO 1960

“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)
-PASUGO Nobyembre 1960, p. 26

Wednesday, August 23, 2000

PASUGO 1959 Quotes

PASUGO 1959

“Mahigit nang isang libo at limangdaang taon ang Iglesia Katolika sa mundo. Maglilimangdaang taon naman ang mga Protestante. Ang Iglesia ni Cristo ay mag-aapatnapu't limang taon lamang mula noong 1914." 
-PASUGO Pebrero 1959, p. 1: (sinulat ni Ben Santiago)

“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
-PASUGO Oktubre 1959, p. 5

“Kaninong aral ang itinuturo ng Iglesia ni Cristo? Aral ng Dios, ni Cristo at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan. Walang aral si Kapatid na Felix Manalo na kinatha mula sa kanyang sarili."
-PASUGO Nobyembre 1959, p. 20

Sunday, July 23, 2000

PASUGO 1957 Quotes

PASUGO 1957

Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."
-PASUGO Disyembre 1957, p. 28: (sinulat ni Emeliano I. Agustin)(Patula)

Friday, June 23, 2000

PASUGO 1956 Quotes

PASUGO 1956

“Ang Iglesia Katolika'y pinabrika lamang ng mga Obispo noong 1870 sa Batikano."
-PASUGO Marso 1956, p. 25: (sinulat ni Teofilo Ramos)

“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
-PASUGO Oktubre 1956, p. 1

“Bakit hindi ang nag-aral ng Iglesia ni Cristo ang iyong tuligsain? Ipakita
ninyo sa pamamagitan ng Biblia na mali ang aming mga aral. Ito ang dapat ninyong gawin."
-PASUGO Okt. 1956, p. 29

It strikes people as odd that members of the Church of Christ (Iglesia ni Cristo) do not celebrate Christmas. (ang Iglesia ni Cristo ay tuwirang hindi nagdiriwang ng Pasko ng kapanganakan ni Cristo).”
-PASUGO Disyembre 1956, p. 34, (sinulat ni Benjamin T. Villalba)

“ANG KAPANGANAKAN NG SINUGO

At sa huling kaarawang nalalapit na ngang ganap;
Ang dakilang paghuhukom ng Dios sa taong lahat; 
Sa pagibig ni Bathalang ang tao ay maligtas; 
Sa hula ay pinabangon ang Sugo sa Pilipinas;
Siya ay si Kapatid Felix Manalo ang tawag;
Si Elias na paririto bago dumating ang wakas."
-Disyembre 1956, p. 17: (patula) 

Ang Pasko Natin…
Tula ni Kapatid na EMILIANO I. AGUSTIN
Pasugo Dec. 1956, p 10

Sumilang si Hesus sa abang sabsaban
Tinubos tayo sa dilim ng buhay…
Tayo’y nagkasala at mga naligaw
Nawalan ng Diyos at kapayapaan…!

Si Hesus ang ating Maligayang Pasko
Ang Kapayapaang dapat na matamo…
Liwanag ng buhay sa patay na mundo
Biyaya ng Diyos sa handog na Cristo…!

Tanggapin ni Cristo ng buong pag-ibig
Tanging Aginaldo ng Diyos sa Langit…
Sa salang marumi’y mabisang panlinis
At magiging dapat sa dugong natigis…!

Sumunod kay Hesus ang mga naligaw
Maamong pasakop sa Kanyang paanan…
Tumatawag Siya’t lagging naghihintay
May laang PATAWAD sa magbagumbuhay…

Iwan na ang sama at magbalikloob
At buong pagsuyong lumapit kay Hesus…
Kung hindi sa Kanya na Dakilang Handog
Walang kaligtasan sa Hatol ng Diyos… !

Oh ! ang PASKO natin, puno ng pagsuyo
Ang Dakilang Cristong sa sala’y umako…
Sa Paskong marilag tanggapin sa puso
Ang Kapayapaang mahigit sa ginto… !

Ang Kapayapaan o tunay na Pasko
Tatanggapin nating Iglesia Ni Cristo…
Iglesya;y Katawan at Siya ang Ulo
Sa sumpa ng utos tinubos na tayo…!

Maghari sa puso ang KAPAYAPAAN
At sa MANUNUBOS huwag hihiwalay…
Sa Kanyang Iglesya’y manatiling saklaw
May buhay at langit pagdating ng Araw…!


Tuesday, May 23, 2000

PASUGO 1955 Quotes

PASUGO 1955

“Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."
-PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip

Sunday, April 23, 2000

PASUGO 1954 Quotes

PASUGO 1954

“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
-PASUGO Mayo 1954, p. 9

Ang mga alagad ni Jesus na dating sumusunod sa hulihan niya ay inihiwalay ninyo sa pagsunod sa Kanya, at pinasunod ninyo sa inyong hulihan. Kaya nawalan ng tao ang Iglesia. Ang natira sa Iglesia'y si Jesus at ang mga salita ng Dios."
-PASUGO Hulyo 1954, p.4

"Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."
-PASUGO Nobyembre 1954, p. 2, 1

Tuesday, April 18, 2000

Felix Manalo, Iglesia Ni Cristo's Founder-head

A Protestant author, Dr. Arthur Leonard Tuggy, attributes the Iglesia ni Cristo's fantastic growth to, among other factors, Dedicate laymen eager to spread their message and an effective deployment of ministers. "And behind all this," he notes, "was the continuing charismatic leadership of its founder-head, Felix Manalo, now firmly anchored to a doctrinal base as Gods messenger for the Philippines..." 

- PASUGO May-June 1986 written by Isabelo T. Crisotomo

Thursday, March 23, 2000

PASUGO 1953 Quotes

PASUGO 1953

“Ito'y natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y marunong bagama't hindi nag-aral kailanman. At ang kanyang dunong ay humihiya sa mga kumakaaway sa kanya. Natupad din ito kay kapatid na Felix Manalo. Siya'y walang katangian ayon sa laman. Natupad gaya ng dunong, kayamanan, o kaya'y kapangyarihan. Hindi siya nag-aral sa paaralan ng tao. Ngunit kung si Kapatid na Felix Manalo man ay mangmang sa karunungan ng sanlibutan, gayunman ay marunong siya ng mga salita ng Dios."
-PASUGO Enero 1953, p. 10

Kami raw na mga Iglesia ni Cristo ay nagtatangi ng mga tao. Sinasarili raw namin ang kaligtasan. Iyan ay hindi totoo, at kung may nasasabi niyan sa amin sa kasalukuyan, iyan ay bunga ng malaking kadiliman na naghahari sa kanyang buong pagkatao.
-PASUGO Hulyo 1953, p. 15, (sinulat ni Joaquin Balmores)

PASUGO 1952 Quotes

PASUGO 1952

“Hindi mapapasinungalingan ninuman na talagang ang Iglesia Katolika ang lumitaw sa loob ng Emperyo Romano noong ika-apat na siglo."
-PASUGO Pebrero 1952, p. 9: (sinulat ni Joaquin Balmores)

“Mula sa taong 527 hanggang 565 sa panahon ng Emperador Justinano naging ganap ang pagkatatag ng Iglesiang ito na sumipot sa Pulong ng Nicea." 
-PASUGO Mayo 1952, p. 5: (sinulat ni Ben Santiago)

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
-PASUGO Mayo 1952, p. 4

Wednesday, February 23, 2000

PASUGO 1941 Quotes

PASUGO 1941

“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"
-PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:

Hindi inaangkin ng Iglesia ni Cristo ang karapatan ni Cristo at ng mga Apostol o ng ninuman. Siya'y may sariling karapatang galing sa Dios at kaloob ng Dios. Siya'y inihalal ng Dios at hindi siya ang naghalal sa kanyang sarili. Sa Apoc. 7:2 ay sinasabing isang anghel ang may taglay na tatak ng Dios na Buhay."
-PASUGO Enero 1941, p. 12

Sunday, January 23, 2000

PASUGO 1940 Quotes

PASUGO 1940

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
-PASUGO Hunyo 1940, p. 27

“Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito." 
-PASUGO Setyembre 1940, p. 1