Tuesday, January 23, 2001

PASUGO 1964 Quotes Taong-tao si Cristo

PASUGO 1964

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” 
-PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)

“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo asJerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat." 
-PASUGO Enero 1964, p. 2

“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
-PASUGO Enero 1964, p. 6

“... ang tanging may Dios ay si Felix Manalo at ang mg umugnay sa kanyang gawain." 
-PASUGO Mayo 1964, p. 1

Sa ubod ng aming puso at damdamin;
Nagkapalad kami sa gintong layunin;
Sa sikap ng Sugong naghirap sa amin.
Ang pagtatagumpay, dangal at alindog;
Ng Iglesia ngayo'y banal na kinaloob;
Sa isang pag-asa kami ay nabuklod;
Ang aming dalangin sa paninikluhod;
Salamat sa SUGO... Salamat sa Dios."
-PASUGO Mayo 1964, p. 3: (patula)

“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."
-PASUGO Mayo 1964, p. 15

Noong 1904, ay nag-aral si Felix Manalo sa paaralan ng Methodist Theological Seminary.” -p.180 [Sinasabing nagpunta si Manalo sa Amerika noong 1919, at nag-aral sa Pacific School of Religion sa CaliforniaUSA sa pahina 182]
-PASUGO Hulyo 27, 1964, p. 180, 182; (Ika-50 Anibersaryo)

“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).

“Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."
-PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2,5

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
-PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5

Tandang-tanda namin noon nang ang sugo ay namatay;
Ikaw noon ay nanumpa sa harap ng kanyang bangkay;
Para ko pang nakita na nagtaas ka ng kamay;
At ikaw ay lumuluhang pangako ay inusal;
Ang sabi mo'y tutupad ka sukdang ikaw ay mamamatay;
Mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Amang Banal." 
-PASUGO Disyembre 1964, p. 2: (ukol kay Erdy)

No comments:

Post a Comment