PASUGO Oktubre, 1965 p.21
MGA PINAKAMAMAHAL NA MGA KAPATID:
Sa kasalukuyan ang Kapatid na Prudencio Vasquez ang namamahala sa Iglesia. Ito ang gusto ng Japon, Tayo'y sumunod. Huwag kayong mabalisa sapagka't sila ang may kapangyarihan sa ating bayan. Ang aking tungkulin ay bigay ng Dios gayon din naman ang inyong mga pananampalataya. Ako'y nananatili sa Iglesia at sa ibinigay sa akin ng Dios. Ito rin ang hinihingi ko sa inyo na huwag ninyong sisirain ang inyong matapat at boong pusong pagibig sa Dios, kay Kristo na ating Panginoon, sa Salita ng Dios na natititik sa Biblia, sa Iglesia ni Kristo sa Pilipinas at sa Pasugo ng Dios sa Huling Araw. Maliwanag sa inyo at sapat na ang maikling sulat kong ito sa inyo na tayo'y nagkakaunawaan na gaya rin ng dati.
Ang lalong kailangan nating lahat na mga Iglesia ni Kristo ay ang tahasang nagpapakasakit sa pagpupumilit na maisagawa natin sa pamumuhay ang tinanggap natin sa Dios na pagibig at pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabagong buhay.
Ang inyong kapatid kay Kristo na hindi natitinag sa pananatili sa Dios at sa paglilingkod,
(Lgd.) F. MANALO
FELIX MANALO
No comments:
Post a Comment